Rehiyon 8 – Silangang Visayas

Rehiyon VIII (Silangang Visayas)

 

Ang rehiyon VIII ang teritoryo naman ng mga Waray. Sinasabing ang grupong ito ng mga Bisaya ang pinakamatapang.

Nahahati sa 3 lalawigan ang isla ng Samar. Ang Samar ang pinakamalaki sa tatlo. Ito rin ang nakadugtong sa Leyte sa pamamagitan ng San Juanico Bridge

Mga Lalawigan at Kabisera:

ü  Hilagang Samar (Catarman)

ü  Samar (Catbalogan)

ü  Silangang Samar (Borongan)

ü  Leyte (Tacloban) – dito itinatag pansamantala ni Heneral Mc. Arthur ang capital ng Republika ng Pilipinas

ü  Katimugang Leyte (Maasin City)

Mga Magagandang Lugar sa Rehiyon VIII

Red Beach (Leyte) – kinaroroonan ng MacArthur Marker

Lake Danao National Park (Leyte)

Homonhon Island (Samar) – kinaroroonan ng Magellan’s Cross

Mga Natatanging Pagdiriwang:

Tacloban Festival (Leyte) – isang linggong pagdiriwang kung kalian idinaraos ang Sibiran Regatta (karera ng mga bangka) at Pintados Festival o ang pagsayaw sa daan

Kilalang Pilipino:

Imelda Marcos (Leyte) – Unang Ginang ni dating Pangulong Ferdinand Marcos