Rehiyon 4B – MIMAROPA

Rehiyon IV-B (MIMAROPA)

 

Ang Timog Katagalugan ay dating isang malaking rehiyon na matatagpuan sa katimugang Luzon. Ngunit sa bias ng Executive Order Blg. 103 noong Mayo 21, 2002, ito ngayon ay nahahati na sa dalawang bahagi – ang Rehiyong IV-A o CALABARZON at ang Rehiyon IV-B o MIMAROPA.

Mga Lalawigan at Kabisera:

ü  Mindoro Occidental (Mamburao)

ü  Mindoro Oriental (Calapan) – Nagmula ang salitang Mindoro sa wikang Espanyol na Mina de Oro matapos makakita ng ginto sa lalawigan. Tahanan ng mga Mangyan ang Mindoro at mga tamaraw.

ü  Marinduque (Boac) – Hugis-puso ang lalawigan. Nagmula sa salitang malinduc na naging Marinduque sa paglipas ng panahon. Popular ang lalawigan sa Moriones Festival.

ü  Romblon (Romblon) – binubuo ito ng 3 malalaking at 17 maliliit na mga pulo. Kilala ang lalawigan bilang Marble Island dahl mayaman ang lalawigan sa marmol.

ü  Palawan (Puerto Princesa) – pinakamalaking lalawigan sa bansa. Tinawag itong Pa-Lao-Yu noong unang panahon ng mga Tsino. Popular ang lalawigan dahil sa Calauit Park at sa Tabon Cave na naging tirahan ng mga unang tao sa Pilipinas.

Hanapbuhay

Dahil pulo-pulo ang mga lalawigan ng rehiyon, ang pangingisda ang pangunahing hanapbuhay ng mga tao rito. Pinagkakakitaan naman sa Romblon ang gawaing pantahanan tulad ng paggawa ng basket, banig, lubid, lambat at mga dekorasyong pantahanan. Pagtrotroso naman ang ikinabubuhay ng ilan sa Mindoro at Romblon. Pag-aalaga ng baka, baboy at manok ang hanapbuhay naman sa Oriental at Occidental Mindoro.

Mga Produkto:

ü  Bigas

ü  Niyog

ü  Mais

ü  Rambutan (Mindoro)

ü  Langis at natural gas (Palawan)

ü  Marmol (Romblon)

ü  Tanso (Marinduque)

Mga Magagandang Tanawin:

ü  Mt. Malindig (Marinduque)  – isang di-aktibong bulkan na madalas akyatin ng mga

mountaineers.

ü  Mainit Falls (Romblon) – talon na may maligamgam na tubig

ü  Apo Reef National Marine Park ( Occidental Mindoro) – isang marine sanctuary

ü  Calauit National Park (Hilagang Palawan) – dito dinadala at inaalagaan ang mga

                                               mababangis na hayop mula sa ibang bansa.

ü  Tubbataha Reef (Palawan)  – dito makikita ang mga magagandang at sari saring yamang

dagat.

ü  Mt. Iglit National Park (Occidental Mindoro) – katatagpuan ng mga tamaraw

Mga Masasayang Pagdiriwang:

ü  Moriones Festival (Marinduque)  -paggunita sa himalang naganap kay Longhinus, isang sundalong Romano o moriones na sumibat sa tagiliran ni Hesus. Nakakita ang isang bulag niyang mata nang matalsikan ng dugo ng Hesus.

ü  Sanduguan Festival (Oriental Mindoro) – Paggunita sa ugnayan ng mga katutubong Mindoro at mga Tsino

ü  Ati-atihan Festival (Romblon) – ginaganap tuwing ikalawang Linggo ng Enero; Pagsayaw sa daan ng mga taong initiman ang katawan bilang pagpupugay sa Mahal na Poong Sto Nino.