Rehiyon 4A – CALABARZON

                                 Rehiyon IV-A (CALABARZON)

 

Ang Timog Katagalugan ay dating isang malaking rehiyon na matatagpuan sa katimugang Luzon. Ngunit sa bias ng Executive Order Blg. 103 noong Mayo 21, 2002, ito ngayon ay nahahati na sa dalawang bahagi – ang Rehiyong IV-A o CALABARZON at ang Rehiyon IV-B o MIMAROPA.

Mga Lalawigan at Kabisera:

ü  Cavite (Trese Martires)           – ang pangalan nito ay hango sa hugis kawit. Dito sa Cavite

idineklara ang kalayaan ng Pilipinas

ü  Laguna ( Sta Cruz)          – Nakilala ang laguna dahil dito isinilang si Dr. Jose Rizal

ü  Batangas (Batangas City)           – Kilala ang lugar dahil sa Bulkang Taal at Mt. Makulot na

madalas puntahan ng mga mountain climbers

ü  Rizal (Antipolo City)         – hinango ang pangalan kay Jose Rizal

ü  Quezon (Lucena City)       – hinango ang pangalan kay Manuel Quezon. Dito matatagpuan

ang Mt. Banahaw.

Hanapbuhay

Ang CALABARZON ay maunlad na rehiyon ng bansa.

Pagtratrabaho sa planta at pagawaan – isa sa mga hanapbuhay ng mga mamamyan ng rehiyon.

Pagsasaka at pangingisda – ikinabubuhay ng mga naninirahan sa mga maliliit ng bayan at baryon g rehiyon

 

Pangunahing Produkto

Palay            Mais            Cacao           Kapeng barako       Niyog

Mani            Gulay           Prutas                   lansones                 Kopra

Ang mga bayan ng Laguna ang nangunguna sa mga negosyong pantahanan:


Paete – santo, bakya, tsinelas

Nagcarlan – mga inukit na kahoy

Santa Cruz – Kesong puti

Liliw – uraro, tsinelas

Majayjay – alak na lambanog

Lumban – barong Tagalog

Mga Kilalang Mamamayan sa Rehiyon:

ü  Jose Rizal

ü  Jose Laurel

ü  Apolinario Mabini

ü  Miguel Malvar

ü  Emilio Aguinaldo

ü  Manuel Quezon

Mga Natatanging Lugar:

ü  Mt. Makiling sa Laguna

ü  Mt. Banahaw sa Quezon

ü  Polilio Islands sa Quezon

ü  Bulkang Taal sa Batangas

ü  Hinulugang Taktak sa Rizal

ü  Pagsanjan Falls sa Laguna

ü  Laguna se Bay sa Laguna

ü  Lawa ng Taal s Batangas

ü  Bahay ni Aguinaldo sa Cavite